What is it like being a 3rd year Com Sci student?  

Posted by: ShaMei in

whAt a question!
gArbeh!! hahahaha! :D

Being a 3rd year com sci student. . . .  masasabi ko na ibang level na talaga kapag naabot mo itong stage na 'to.

Kung nahirapan kami sa first 2 years namin as com sci students, mas lalo pag apak namin ng 3rd year. Somehow, dapat expected na yun kasi dito na magsisimula ang kalbaryo ng isang estudyante sa paggawa ng THESIS. Kung nung una, simple at savihin na nating sisiw pa yung mga pino-program namin, ngayon.....ahaAay!
kasakit sa ulo. Minsan pumapasok sa isip ko na tumigil na...Minsan I felt na parang nagkamali ako ng course na kinuha...pero yung mga minsan na yun.....ayoko na ulit na bibisita sila sa isip ko....bakit? kasi kung ngayon pa ako susuko, na almost 1 year na lng na paghihirap ang titiisin ko para matapos, malaking aksaya talaga sa pera at  panahon.
Knowing is not enough; we must apply. Willing is not enough; we must do."-Johann Wolfgang von Goethe-

The day Ma'am Carandang met us sa isang short meeting lang, she introduced na yung mga "topics' or study sa pwedeng mgaing sentro ng thesis namin. While discussing, alam mo yung pakiramdam ng isang bata na naiwan sa syudad na hindi alam kung san pupunta, na hindi alam kung paano makakauwi. . . . 
Actually, ganun yung naramdaman ko nung mga time na yun...na hindi namin alam kung paano sisimulan ang dapat simulan...nakaramdam din ako ng takot na baka hindi namin kayanin at matapos yung thesis namin....
But then, I told my self na bakit kami matatakot, bakit kami magkakaroon agad ngayon ng doubts, eh eto na kami eh...The challenge na lang is paano namin toh haharapin and NO TURNING BACK! 
Umpisa pa lang naman to eh, at wala pa kaming nasusubukan sa sarili namin....Ang sabi pa nga ng iba, mas mapalad pa kami na nakakaranas/nakaranas ng ganitong pressure dahil sa mga ganung bagay kasi iba pa rin daw talaga yung feeling ng nakaranas ng paghihirap bago yung "kasaganaan" sa buhay after school life.
Sabi nga,
"College does not guarantee happiness and success but it does provide a person with the opportunity to test yourself and see what you can achieve. It also opens your eyes and allows you to see the numerous possibilities."
Marami ng nagbago after three years. Una, sa academics, kung dati mejo pwede ka pa maging easy go lucky, marami pang oras ng pagtambay, ngayon hindi na kasi yung mga oras dati na itinatambay ngayon buhos na lang sa paggawa ng sandamakmak na requirements; kung dati sobrang talamak pa ang pagkokopyahan, ngayon mahihiya ka ng mangopya lalo na sa mga computations specifically "satistics"; kung dati pag-uwi ko ng bahay ni hindi ko mabisita yung mga notes ko at magre-review lang a day before exams, ngayon maaga ng nagsisigawa ng mga reviewer...eh ikaw ba naman hindi agad gumawa ng mga reviewer sa dami ng subjects at hirap na mga yon!....sobrang iba na talaga....haaaAys...Pangalawa, sa tropa, sabi ng iba, watak-watak na daw kami, tipong maki2ta mo yung closeness ng buong section, hindi na talaga katulad nung dati...Pero pangatlo, sa sarili ko, masasabi ko na kahit paano may improvements ako sa sarili ko, lalo na nung nag dorm ako...hehehe...mas motivated ako lalo na maraming umaasa sakin, maraming nag-eexpect, somehow parang pressured din ako kasi nga sobra silang nag eexpect sakin but I use na lang those expectations para mas lalo ko pang galingan.

Ang course na ito na kinuha ko...honestly, this is not my first choice, at masasabi ko na malayo ito sa course na gusto ko..kaya I always ask God why did he let me take this course...ano kaya yung reason at will Niya bakit hinayaan Niya itong mangyari. Ayoko ng pagsisihan ang mga bagay na nangyari na kasi POINTLESS talaga dahil nothing will change kahit ano pang pagsisi ang gawin ko. Kaya, go, go, GO nalang sa mga dapat naming tapusin...

"A college degree is not a sign that one is a finished product but an indication a person is prepared for life."-Reverend Edward A. Malloy-
BLOGGER:


Shara F. Barcelo
200912035

This entry was posted on 4:03 AM and is filed under . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Mag-subscribe sa: I-post ang Mga Komento (Atom) .

0 (mga) komento

Mag-post ng isang Komento