Sports That I Normally Play During Leasure  

Posted by: ShaMei in

As usual.... Saturday night, cramming ako sa pag ba-blog :P Kmusta naman yung 9:30 ng gabi nasa computer shop pa ako...hahaha!:D Eh sorry naman, may appointment lang ang lola nyo kaninang umaga :D Haaaaays... simulan na nga itong weekly blog na itoh!

Dalawa lang naman ang sports na gustong gusto kong laruin kapag may pagkakataon. Una, yung volleyall....


Hahahaha :D Kamusta naman yung trip na mag-volleyball ng gabi...May maipasa lang sa blog, nag effort pang makahiram ng bola  ang lola nyo..hehehe..salamat kay ate Jai:)

Marami akong masasaya at malulungkot na memories sa sports na ito....Dati, nangarap ako at naghangad na maging isang magaling na volleyball player. Nagsimula ito nung grade four ako. Intra-murals nun sa skul namin at nanga2ilangan ng player o maglalaro sa volleyball...Tapos na-curious naman ako..Sabay sabi ng "sige, maka-experince lang". Tapos ayun, naglaro na kami... Nakakahiya nga lang talaga, akala ko ganun lang yung paglalaro nun, pinaghawak-kamay ko yung mga kamay ko at sige, tira lang ng tira ng bola kahit saan lang pumunta basta matira ko sya...Kaya yung mga classmate  ko galit na galit sakin kasi laging outside yung mga tira ko..eh malay ko ba naman kung paano yung position ng kamay kapag titira...Tapos nung ako na yung magse-serve, nga2 sila teh, palaging in yung mga serve ko.. Natuwa naman yung adviser namin sakin kasi kahit papano nakahabol yung team naming nangungulelat na..hahaha! Kaso hanggang serve na lang ang lola nyo dahil kapag ire-recieve ko na yung bola, kulang na lang sabihin ng bola "sige sulatan na lang kita" dahil sa  layo ng narating :)  Tapos, nung grade six, hindi ko alam bakit nakasama ako sa team ng skul namin na ilalaban sa ibang skul..AS IN! kaya ayun todo praktis naman kami..kahit tanghaling tapat pa yan... At dumating na nga ang araw ng laban namin sa ibang skul..Nung first game, ang lalaki nung mga kalaban namin pero panalo kami, tapos nung secong game, ang kulit talaga, ang liit nung mga kalaban namin pero dun pa kami natalo :D hahaha! Masaya pa rin naman ako.. Nice experience :)
Volleyball with my papa:)
hehehe:) epal pa si Cobie eh(pet dog ko)

High school, tuloy pa rin ang pangarap ko...hahaha..go pa rin ako sa mga try outs tuwing intrams sa school, kaso lang, ewan ko ba...hindi ako pinapalad sa mga try outs na yun..kainis! Tapos wala pa akong nakukuhang suporta sa magulang ko..kahit man lang nga moral support eh wala...tsk:-( Isa lang siguro talaga ang ibig sabihin nun....HINDI KO FIELD ANG  VOLLEYBALL! malungkot mang isipin, pero patuloy pa rin naman akong naglalaro...kahit with my friends lang..hehehe...nung high school, every hapon pag uwi ko ng bahay galing school, naglalaro kami ng mga kababata ko ng volleyball....nakakamis nga talaga maging bata...

Pangalawa naman eh badminton...
Playing badminton with my sis:)

Hay nakoh! Lahat ng ito ay ginawa kok lang sa loob ng isang gabi..kung hindi nga naman adik..eh walang basagan ng trip! I need to survive in this course..bkt!? hahahaha :D

Kadalasan, ito yung nilalaro naming pamilya kapag napagtripan magliwaliw...hehehe..eh kasi sa lahat ng sports parang ito na yung pinaka madali sa lahat matutunan...

etoh pa isa :D
kaylangan talaga palagi kasama si Cobie,,?...hehehe

Ayun! Tapos na rin sa wakas….
Wala akong na master na Sports kasi mas hilig ko ang mga bagay tungkol sa music.
I love music bAbe! lalo na kapag I do it for the glory of GOD 'cause he truly deserves it:)

God bless to all!
It's already late night na...

BLOGGER:

Shara F. Barcelo
200912035

This entry was posted on 6:27 AM and is filed under . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Mag-subscribe sa: I-post ang Mga Komento (Atom) .

0 (mga) komento

Mag-post ng isang Komento