This is F*ck*ng SERIOUS. Are you one of them?  

Posted by: ShaMei in

This is soooo HILARIOUS as in.
I badly need to blog this out.

I woke up ng mga 3:00am kanina, para magsimbang gabi. So, sabaw na sabaw pa ko,
sa sobrang antok.. Di ako mageeffort gumising ng ganun kaaga for NOTHING.
I am a night person, kahit gusto kong matulog ng mga 9 or 8pm waley, Paikot ikot lang ako. 11pm na ang pinaka maaga kong tulog, kaya mahirap para sakin gumising ng 3am.

Anu bang pinopoint out ko dito?
Simple lang naman.
You guys should RESPECT the words of God. You should responsible enough what are the do's and dont's during the mass. I mean, are you a MORON?

Kumakanta ng ama namin lahat ng nasa paligid mo. At ikaw ano?
May kausap sa phone? Hindi sa pakelamera ako, pero FOUL na talaga e. Alam mo yung naririnig mo na NONSENSE at hindi naman importante yung call? hindi ba pwedeng mamaya nalang? Pag tapos ng Misa?
Di na ba makakapaghintay ang kamustahan nyo tungkol sa di ka nakatulog te? SHAME ON YOU.

Habang nag Homily naman si father, somebody caught my attention. Si kuya naglalaro lang ng Puzzle sa China Phone nya. Are you serious kuya? Nagpuyat ka para maglaro ng Puzzle? Imbes na makinig ka at ipagpatawad mo ang mga naging kasalanan mo. Puzzle pa? Nababastusan ako actually.

Nahihiya ako sa Generations ng KABATAAN ngayon. As IN. Nakakahiya man din aminin pero kasama ko sa HENERASYON na to'. Kaya lahat ng mga matatanda iisa ang Opinyon sa mga kabataan ngayon. Yun at yun nalang. PARIWARA.

Di naman ako perpekto, Minsan umaattend din ako ng mass, na hindi napakinggan ng buo ang Homily. Pero NEVER IN MY ENTIRE LIFE NA GINAWA KO ANG MGA NAKIKITA KO KANINA. Di ako nagmamalinis, pero hindi talaga. I admit there are times na inaantok ako, kaya di nako nakakapakinig ng maayos. Pero tahimik lang ako, antok lang talaga.

Pagkasabi ng pari, "Tapos na ang misa, humayo kayo.....etc and so on"
Meron namang isang grupo most of them mga lalaki may konting babae, may isang lalaki sa gitna tapos, nag DOUGIE siya habang nagsisigawan ang mga kasama niya. WTF?
Palakpak lang kailangan hindi DOUGIE at SIGAWAN.
BASTOS lang.

Napapailing ka na lang e. Kaya minsan pag nalalaman ng mga matatanda na nagsisimbang gabi ka.
ang madalas na sinasabi eh "Lalandi ka lang e" kahit alam mo naman sa sarili mo na hindi. Pero may magagawa ka pa ba? Eh karamihan ng mga nakikita nila GANON.

Mahiya kayo para sa sarili nyo, magulang nyo at sa diyos.
You can do whatever you want outside the church. Pero, pag nasa sagradong lugar na kayo.
matuto sana kayong gumalang. Nakakahiya mapabilang sa henerasyon na to.

Kung magsisimba ka lang para sa mga katulad ng nabanggit ko. PLEASE, wag na lang.
matulog ka na lang, makakatulong ka pa sa mga totoong nag ninilaynilay sa mga naging kasalanan nila.

Merry Christmas.
I'm Pissed.
I feel pity to those kind of people.

- Alyssa Mei Asis.

This entry was posted on 3:04 AM and is filed under . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Mag-subscribe sa: I-post ang Mga Komento (Atom) .

0 (mga) komento

Mag-post ng isang Komento