Sino/Ano si Rizal?  

Posted by: ShaMei in



Nothing is taking for granted pati ang pagkabayani mismo ng National Hero.
Sino si Rizal?
National Hero?
Ano si Rizal?
Piso? na kahit maliit ang value, number 1 pa din.

I am now watching Bayaning 3rd World, Its fun. Its all about Rizal. I want to post the video here,
pero nag eerror eh, Detective Story: Ang imbestigasyon sa pagkabayani ni Rizal. Yan na ang final descision na gawin ng mga Film maker kuno sa film na to' . This short film is quite funny. I really enjoyed it. While conducting their "investigation" nakikita, at nakakausap nila si Rizal at mga pamilya nito. Weird. Haha, parang nakikita nila yung mga ngyare before and guess what, naiinterview pa nila. Funny thing :)

Ang una nilang tinalakay is the Retraction of Rizal, kung totoo ba o hindi. Syempre inuna nila yung mga pinapaniwalaan ni Rizal, pero, nabago daw ang mga paniniwala ni Rizal ng dahil daw sa mga masahol naginagawa ng mga prayle. And according to his Hong Kong 1892 Letter to be opened "after my death"  for his parents and siblings,Hindi nya daw pinagsisishan ang kanyang mga ginawa, pinaninindigan niya daw ang kanyang mga ideya na kanyang naisulat  para sa kinabukasan ng ating bayan, dahil yun daw ay kanyang tungkulin, Dapat daw itaya ng tao ang kanyang buhay para sakanyang tungkulin at paniniwala.

Josephine Bracken
Inspirasyon O panggulo?

Nung pinatapon si Rizal sa Dapitan, madami siyang pinagkaabalahan don, patuloy parin siyang nanggagamot
at marami pang iba, including that Josephine Bracken his, "Dulce Estranghera".
Dumating si Josephine kasama ang kanyang padrasto (tama ba? haha OLD words!) na may kapansanan sa mata, ipapatingin kay Rizal. Dun na nagsimula ang pagsasama nila ni Rizal, na syempre tutol ang pamilya ni Rizal dahil isa yung eskandalo, dahil hindi sila kasal. Diyan nagsimula yung retraction Issue, kung talaga bang ginawa niya yun para mapakasalan niya si Bracken o gawa gawa lang ng Heswita.

Come to think of it, kung totoo yung Retraction parang sinabi niya na din na di niya na pinapanindigan yung mga naisulat niya sa kanyang mga Nobela. Nagbago lahat ng kanyang paniniwala para lang sa isang babae?
Did you get me? Haha. Anyway. (Im so affected na here)

Nung nasa Dapitan pa siya, may dumalaw sakanya Nag ngangalang Don Pio Valenzuela, upang hingin ang payo at pag sang ayon ni Rizal sa Himagsikan na unfortunately, hindi siya sumang ayon, tinalikuran niya ang rebolusyon. Bakit nga ba siya naging national Hero gayong tutol siya sa Himagsikan? And as far as I know one characteristic of a Hero must be a Revolutionary. Am I right or Left? (Korney ko dun, Last ko na yun! :D)

According to Renato Constantino "Veneration without Understanding",
Rizal did not deserve to be the Philippines's national Hero.

In the histories of many nations, the national revolution represents a peak of achievement to which the minds of man return time and again in reverence and for a renewal of faith in freedom. Therefore, that almost always the leader of that revolution becomes the principal he roof his people. In our case, our national hero was not the leader of our Revolution. In fact, he repudiated that Revolution.

If theres something that I learned from my Rizal class last year, it is that Rizal NEVER asked for freedom from the Spaniards. He was asking for ASSIMILATION. He wanted the Philippines to be a PROVINCE OF SPAIN, NOT to establish an independent state. Ayan kasi ang pinagdukdukan ng Prof ko, Haha. And I'm not against him ah. ang sakin lang kasi, Bakit pa kailangan pagtalunan kung dapat ba talagang maging Hero si Rizal o hindi? 
Actually hindi naman talaga tutol si Rizal sa Himagsikan, ayaw niya lang matuloy, kasi
kulang sa armas, and Rizal is not a "American made Hero" the first Philippine republic ang nagproclaim na National Hero ni Rizal. And His teachings are as valid today as they were yesterday. Kaya Let's just accept the fact na si Rizal na talaga ang National Hero, though may mga sablay man siya, Hindi na yun yung importante eh. Accept it whether you like it or not. :)) Like what I did.

Kung may natutunan ako sa mga teachings ni Rizal, yung kung gano' Kaimpotante ang Paninindigan mo sa mga paniniwala mo. Respetuhan ng paniniwala, feeling ko yun yung mga nadala ng mga pinoy sa mga characteristics ni Rizal. 

Sakin' kasi importante ang paninindigan, lalo na kung alam mong nasa TAMA ka, at hindi ka ng LALAMANG sa kapwa mo. Fight for your rights, wag kang papatalo sa mga taong feeling nila eh, mas magaling sila sayo. Kung alam mong nauna siya sa IDEYA na yun, RESPECT it. Don't pretend that you don't know coz' eventually, ang lalabas nun eh, niloloko mo sarili mo. Dahil ALAM mo sa sarili mo kung ano yung totoo. BE FAIR DUDE. 

And the wonderful and funny "Bayaning 3rd World" movie, try to watch it guys! :))






Alyssa Mei C. Asis
BSCS 3-1
201111885

This entry was posted on 1:41 AM and is filed under . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Mag-subscribe sa: I-post ang Mga Komento (Atom) .

0 (mga) komento

Mag-post ng isang Komento