How was your V-day? SAD or HAPPY?  

Posted by: ShaMei in

Happy or Sad?

Pwede bang both muna. . . ano ba yan ^.^ sakin pa talaga napatapat ang topic na ito. aHahAy………
Mahirap para sa akin ngayon mag blog tungkol sa ganitong bagay kung hahanapan nyo ako ng  mga kakilig-kilig na bagay. . . hahaha:D





Lam nyo kung bakit? Kasi wala naman din kasing nangyaring kakilig-kilig na bagay sakin nitong valentines. . ayun, nag date kami ng mga assignments at projects nmin…hehehe..  eh kayo na ba naman ang malayo sa isa’t isa at hanggang text at tawag na lang muna kayo magkakausap.. haaaayst….



Pero kahit ganun, hindi naman ako nag-iisa. Ikaw na ba naman maraming kasamang mga single, at meron pang NBSB!... hahaha... ayun sama-sama kaming hinayaang lumipas ang araw ng mga nguso este puso pala... hek hek hek ^_^



Ang sabi naman nung iba, nakakainsulto daw kapag dumarating and araw ng mga puso na “single” ka specially sa girls. . . feeling daw nung mga hindi nakakatanggap ng flowers.......pangit sila... edi ibig sabihin pangit na rin ako? Hahahaha!  Pangit agad? Pwede bang malayo lang muna sa nagmamahal sayo....? hehehe..buhay nga naman...

I can consider my Valentines day as both sad and happy.  Why sad? Malungkot kasi una, yung plano naming date ng bestfriend ko, hindi natuloy...  dahil sa may mga natirang exam pa kmi at sobrang busy talaga sa studies, hindi na ako nakapag set ng date para magkita kami, eh yung maganda kong bestfriend, may trabaho...this week eh pang gabi na sya... kaya nahirapan talaga ako makapag isip ng right timing, hanggang sa ayun nga, hindi na kami natuloy... sobrang nalungkot talaga ako nun kasi minsan na lang kami nun magkita, minsan lang makasama at makapag kulitanL... Pangalawa naman, malayo ako sa special someone ko. Kiailangan niya muna kasing lumayo para sa ilang mga bagay sa kangyang buhay..an drama no? Nalungkot talaga ako pero naisip ko rin naman na taman na rin siguro yung ganun para makapag focus ako sa studies ko, tsaka mahirap din para sakin na hindi kami magkikita na alam ko naman na malapit siya sakin... alam mo yung feeling na natetempt ka na gumawa ng paraan para magkita kayo... Kaya mejo mas ok na rin na nagkalayo muna kami... yun nga lang, nung valentines day, parang hindi uso samin ang batian, hahaha, kahit man lang batian ng happy hearts day walang nangyari...ako na ba naman kasi ang kuripot at hindi man lang nag lod.. kaya ayun tuloy, parang nagpapaawa yung isa kasi “sad” daw ang love life nya at “love less” pa nga raw... hahaha! Nakonsensya naman tuloy ang lola mo :P
Why happy? Simple lang yan.... masaya kami  magkakasama ng mga friends ko at masaya rin kaming nakatikim ng mga cakes and chocolates na natanggap nila..hahahaha! LOL:D

Basta sa buhay ko ngayon (malungkot man sa part “niya” kasi hindi talaga kami nagkakaroon ng constant communication at inaamin ko naman na fault ko yun) umiikot lang ngayon ang buhay ko sa pag-aaral, family at ministry. I NEED FOCUS! Masakit man (kahit kanino/saang sitwasyon) kailangan munang maisakripisyo/maisantabi talaga ang isa/ilang bagay for you to make it to the finish line.

“Delight yourself  in the Lord and He will give you the desires of your heart.”
Psalm 37:4


BLOGGER:

Shara F. Barcelo
200912035

This entry was posted on 11:10 PM and is filed under . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Mag-subscribe sa: I-post ang Mga Komento (Atom) .

0 (mga) komento

Mag-post ng isang Komento