After graduation:Plans and Ambitions  

Posted by: ShaMei

After

graduation. . . . .

You have brains in your head. You have feet in your shoes. You can steer yourself in any direction you choose. You're on your own.
And you know what you know. You are the guy who'll decide where to go.”

Ano pa nga ba ang karaniwang ginagawa ng isang tao after graduating in college? Edi syempre job finding na…at kung dito ka sa ‘Pinas maghahanap ng trabaho, talagang good luck na lang sa’yo pwera na lang kung marami kang “backer” kung tawagin nila. Anyway, yun naman talaga dapat eh, kaylangan maging masipag ka sa paghahanap ng trabaho if you don’t want to waste the past four years of your life in finishing your Bachelor of Science course.

Pero, isang napakagandang pangako at encouragement sa akin ng sinabi ni mama kong maganda at mapagmahal na after graduation, literally, talagang bakasyon grande daw muna kami sa probinsya…WOW! Sobrang na touch nga ako nun ky mama eh kasi ako nga sabi ko after grad hahanap na agad ako ng job eh pero siya talaga nagsabi na sama-sama kaming magbabakasyon sa Bicol. Kaya sobrang saya ko naman and somehow excited kahit alam kong marami pa ako/kami na mapagdadaanan bago makatapos.


Tutal blog ko naman toh, savi nga ni Ms. Alyssa Mei C. Asis, “Blog naming ‘toh, asan sa’yo? Don’t hate, just appreciate…”hehehe:P..After graduation, nagpaplano ako or kami ng parents ko na pumasok ako ng Military, I’m going to take the examination and then kapag pumasa, I’ll just think na will yun ni God na mag military ako, otherwise it’s obviously no… Marami rin kasi kaming mga friends na sundalo na nag-iencourage sa akin na sumubok dun…kaya whatever happens, go lang ng go…

Kung hindi naman ako makapasa sa Military, go na ako sa paghahanap ng trabaho..So, as a Computer Science graduate, kailangan naman related sa course ko yung kukunin kong job, naalala ko nung isang beses na tinanong kami sa isang prof namin kung anong target namin na job or specifically sa isang company, kung programmer ba, system analyst, etc.. Napaisip nga ako nun, “oo nga no, ano nga ba?” Siguro sakin, kung halimbawa natanggap ako sa isang company, ok na sakin yung kung ano yung available nila na trabaho dun na sakto sakin as BSCS graduate (actually kasi, hindi ko pa talaga alam ngayon kung magiging “ano” ako sa isang job/ company..hehehe..) Basta ganun nalang…  

Kung hindi naman ako makahanap agad ng trabaho… tingin ko magtuturo muna ako ng mga computer subjects if ever kasi ayoko makasama dun sa mga taong “unemployed”. Siyempre ayoko kayang maging pabigat sa pamilya ko tsaka wala naman sigurong gugustuhing maging pabigat sa mga magulang mo na nagpaaral sa’yo within sixteen years. I want to be a productive citizen of the Philippines!! Hahaha :D Hindi nga, pwere biro,.,.,Marami ng mga research ngayon na marami ang guma-graduate ng college pero karamihan daw sa kanila ay walang trabaho or underemployed and I’m afraid to be part of those people. Kaya ano man ang mangyari, basta kailangan may trabaho ako.


Diba sabi plans and ambitions. . . .hay…. kung ambitions ko na ang pag-uusapan…eto na un tehJ
Gusto ko na maging maalwan na ang buhay ng mga magulang ko, mapag-aral ko ang mga kapatid ko..OO, ako na, ako na talaga magpapaaral at magpapatapos sa dalawa ko pang sisters:) Yung tipikal na pangarap ng pangkaraniwang tao.
Magkaroon ng isang maganda at regular na trabaho sa isang magandang company...Pero honestly, gusto ko talagang mag abroad... Gusto kong dun tumira sa state...bakit..libre namang mangarap diba..hehehe...basta... Si God ang kasama ko sa lahat:)

“I hope your dreams take you... to the corners of your smiles, to the highest of your hopes, to the windows of your opportunities, and to the most special places your heart has ever known.”

BLOGGER:

Shara F. Barcelo
200912035 

This entry was posted on 5:16 AM . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Mag-subscribe sa: I-post ang Mga Komento (Atom) .

0 (mga) komento

Mag-post ng isang Komento